Mariing tinututulan ng Ecumenical Bishops’ Forum ang umano’y ‘railroading’ na ginagawa ng Duterte administration para sa pagbabago ng konstitusyon.
Ayon sa grupo, kahina-hinala ang pagmamadali ng administrasyon na baguhin ang konstitusyon para magbigay-daan sa isinusulong nilang federal system of government.
Posibleng ang pagmamadaling ito ay para mapabilis pa ang charter change na magbibigay daan para manatili sa puwesto ang pangulo at solong makontrol ang hudikatura, lehislatura at ehekutibo.
Nanawagan pa ang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang pagsasabing mas uunlad ang Pilipinas sa ilalim ng pederalismo bagkus ito ay magsisimula sa authoritarian rule.
Ang EBF ay samahan ng mga obispo mula sa United Church of Christ, United Methodist Church, Episcopal Church in the Philippines, Iglesia Filipino Independiente at Simbahang Katolika.
—-