Balak ngayon ng pamahalaan na magtatag ng isang railway institute na tututok lamang sa pagpapabuti ng train system ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, bahagi ito ng naging kasunduan ng pamahalaan ng Pilipinas at Japan na isang simbolo ng mas pinaigting na ugnayan ng dalawang bansa.
Kinumpirma naman ni Andanar na sisimulan na sa susunod na taon ang konstruksyon ng first phase ng Metro Manila Subway Project at inaasahang kasabay dito ang pagtatatag ng railway institute.
Pangangasiwaan aniya ang subway project ng Department of Transportation o DOTr katuwang ang pamahalaan ng Japan.
Dagdag ni Andanar, sa ibang mga bansa, mayroon silang sariling center o railway institute na nagsisilbing training ground para sa mga construction at maintenance personnel na mangangasiwa sa railway or subway system.