Naitala ng Rain or Shine ang kanilang ikalimang sunod na panalo at ikapito naman sa kanilang kabuuang karera nang talunin nila ang Magnolia Hotshots sa iskor na 75 – 74 sa kanilang laban para sa 2019 PBA Philippine Cup.
Pinahiya ni James Yap ang kanyang dating koponan matapos kumamada ng 18 puntos para sa Rain or Shine.
Hawak na sana ng Magnolia ang kalamangan sa iskor na 74 – 72 ngunit matagumpay na nagawa ni Yap ang kanyang fake move kay Romel Dela Rosa at Raffy Reavis at naipasok ang bola kasama pa ang bonus free throw na siyang nagpanalo sa koponan.
Hinangaan naman ni Rain or Shine Coach Caloy Garcia ang ipinamalas na galing ni Yap.