Sisikapin ng Rain or Shine na makakapit sa ikatlong pwesto ng PBA Philippine Cup.
Ito’y bunsod ng natakdang pakikipagsagupa ng Elasto Painters sa Barako Bull mamayang alas-7:00 ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.
Ang Rain or Shine ay mayroong kartadang 4-1 na sariwa pa sa ginawang pagdurog sa Blackwater habang ang Energy naman ay taglay ang kartadang 3-3 na nalugmok sa kamay ng San Miguel noong Linggo.
Magaganap ang bakbakan ng dalawang koponan pagkatapos ng salpukan ng Alaska at NLEX Road Warriors sa first game.
By Jelbert Perdez