Humakot ng parangal sa 2018 Metro Manila Film Festival awards night ang LGBT film na “Rainbow’s Sunset”.
Nakuha ng “Rainbow’s Sunset” ang Best Picture habang ang bida ng pelikula na si Gloria Romero naman ang nanalong Best Actress.
Bukod dito, napanalunan din ng direktor ng “Rainbow’s Sunset” na si Direk Joel Lamangan ang Best Director.
Sa kanyang award speech, hindi napigilan ni Direk Joel Lamangan na maglabas ng saloobin kung saan umapela itong huwag lamang isipin ang komersyo sa paggawa ng mga pelikula at sa halip ay irespeto rin aniya ang sining at ang industriya.
Ang iba pang nakuhang parangal ng rainbow sunset ang Best Supporting Actress para kay Aiko Melendez, Best Supporting Actor kay Tony Mabesa, Gat Puno K. Villegas Cultural Award, Special Jury Prize para kay Eddie Garcia, Jury Prize para kay Max Collins, Best Production Design, Best Original Theme Song sa “Awiting Sa’yo” na at Best Screenplay.
Ang “Rainbow’s Sunset” ay kuwento ng isang otsenta’y kuwatro anyos na closet guy na umamin lamang sa kanyang asawa at mga anak ng siya ay senior citizen na para naman maalagaan ang kanyang may cancer na lover.