Tinanggal na ng PAGASA ang rainfall advisory na inisyu sa lahat ng forecast areas ng National Capital Region-Regional Services Division ng weather agency.
Gayunman, pinayuhan ang publiko at maging ang lahat ng Disaster Risk Reduction and Management offices na i-monitor ang lagay ng panahon sa kanilang lugar.
Batay sa 11:00 A.M. weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Odette sa layong 380 kilometers kanluran hilagang-kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan o 155 kilometers silangan ng Pag-asa Island.
Napanatili naman ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 190 kilometers kada oras.
Inaasahang lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Odette sa susunod na 24 na oras.