Posibleng nasa Chicago na ang isa sa mga pangunahing suspek sa pagkamatay ni Horacio Castillo III na si Ralph Trangia matapos itong dumaan sa Taiwan.
Ayon sa TECO o Taipei Economic and Cultural Office, galing sa Pilipinas ay dumaan lamang ng Taiwan si Trangia at pagkatapos ay sumakay ito ng flight patungong Chicago.
Si Trangia ay umalis ng Pilipinas sakay ng Eva Air Flight BR 262 noong September 19 patungong Taouyuan Airport at pagkatapos ay sumakay ito ng connecting flight na Eva Air Flight BR56 patungong Amerika.
Blangko naman ang TECO sa posibleng lugar na kinaroroonan ngayon ni Trangia.
SMW: RPE