Tinatayang isang bilyong muslim sa iba’t ibang panig ng mundo ang sabay-sabay na mag-aayuno bilang pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan ngayong araw.
Ayon sa National Commission on Muslim Filipinos, batay sa kanilang tradisyon, idinideklara ang Ramadan kapag walang namamataang buwan o moon sighting alinsunod sa Bangsamoro Darul Ifta.
Itinuturing na isa sa mga haligi ng relihiyong Islam ang buwan ng Ramadan na panahon ng pagninilay-nilay at pagsa-sakripisyo upang lalong malapit kay “Allah.”
Maliban sa pag-aayuno o hindi pagkain at pag-inom ng tubig sa maghapon, mahigpit ding ipinatutupad ang abstention o pag-iwas sa pagkain ng karne, bisyo at pakikipagtalik sa loob ng isang buwan.