Maagang dumagsa sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila ang mga Pilipinong muslim kasabay ng pagsisimula ng Ramadan kahapon.
Madaling araw pa lamang nang magdatingan sa Golden Mosque ang mga Pinoy-muslim upang magdasal.
Ito rin ang simula ng isang buwang pag-aayuno o fasting kasabay ng tradisyong pagdarasal nang limang beses sa loob ng isang araw o salat.
Ang ramadan ang ika-siyam at pinakabanal na buwan sa Islamic Calendar.
Samantala, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok muli sa Golden Mosque para sa ramadan ang mga muslim matapos hindi payagan noong 2020 at 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.