Opisyal nang magsisimula ang banal na buwan ng Ramadan ng Islam ngayong araw.
Kaugnay nito, nagpaabot ng pagbati si Pangulong Noynoy Aquino lahat ng Muslim sa bansa.
Ipinahayag ng Pangulo ang pakikiisa ng buong bansa sa panahon ng malalimang repleksyon ng ating mga kapatid na Muslim.
Una nang idineklara ng mga religious authorities ang June 18 bilang unang araw ng Ramadan matapos na walang nakitang crecent moon noong June 16.
Sa panahong ito, tradisyunal na isang buwang hindi kakain, iinom, maninigarilyo at makikipag-niig ang mga Muslim simula pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
Fasting
Mahalaga ang fasting ngayong panahon ng Ramadan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Prof. Julkipli Wadi na para sa mga muSlim, ang pag-aayuno ay isang pagsasaayos at pagpapatibay ng kanilang ispirituwal na buhay.
Aniya, bilang pagsunod sa banal na tradisyon kapag panahon ng Ramadan ay ipinagbabawal sa mga Muslim ang kumain at uminom sa araw.
By Rianne Briones | Aileen Taliping (Patrol 23) | Jelbert Perdez | Kasangga Mo Ang Langit
Photo Credit: dailymail.com.uk | Reuters