Pormal nang idineklara ng palasyo na isang regular holiday ang May 13 para sa paggunita ng Eid’l Fitr o feast of Ramadhan.
Sang-ayon sa Proclamation Number 1142 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang naturang deklarasyon ay alinsunod sa rekomendasyon ng pamunuan ng National Commission on Muslim Filipinos.
Kasunod nito, hinikayat ng palasyo ang publiko na makiisa sa mga kapatid nating muslim sa kanilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
Pero paalala ng palasyo na patuloy pa ring sundin ang umiiral na health protocols kontra COVID-19.