Plano ng mga awtoridad na magsagawa ng random inspection ng mga vaccination cards sa National Capital Region (NCR).
Ito’y bilang parte ng pagsunod sa naging desisyon ng Metro Manila Council (MMC) na higpitan ang paggalaw ng mga hindi bakunado kontra COVID-19.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, kasama ang pambansang kapulisan sa tutulong sa pagsasagawa ng biglaang inspeksyon.
Bukod dito, makikipag-ugnayan din ang national government sa mga Local Government Units (LGU) para masiguro na maimplement ito.
Samantala, hindi naman binanggit ni abalos kung kailan sisimulan subalit maglalabas umano ang LGU ng ordinansa para sa karagdagang restriksyon.