(11 AM Update)
Napanatili ng bagyong Ramil ang lakas nito habang kumikilos papalapit sa Calamian Group of Islands.
Huling namataan ang sentro ng bagyong Ramil sa layong 85 kilometro silangan timog-silangan ng Coron, Palawan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometro kada oras.
Inaasahang babagtasin ng bagyong Ramil ang Calamian Group of Islands ngayong araw na gumagalaw sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Nakataas na ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Northern Palawan kabilang na ang Calamian Group of Islands, Southern Occidental Mindoro, at Southern Oriental Mindoro.
Inalerto ng PAGASA ang mga residente sa mga nasabing lugar kasama na ang mga nasa Metro Manila, Bicol region, CALABARZON, MIMAROPA sa mga posibleng flashfloods at landslides.
Habang delikado naman ang paglalayag sa mga lugar na umiiral ang storm signal maging sa seaboards ng Northern, Central at Southern Luzon.
Inaaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR sa Biyernes ang bagyo.
—-