Umaasa si Phillippine Sports Commission (PSC) Chairman William Butch Ramirez sa ating delagasyon sa 2020 Tokyo Paralympics na kanilang iaalay ang kanilang galing para sa mga atleta na hindi makakasali matapos mag-positibo sa COVID-19.
Iyan ay matapos na sabihin nitong linggo ng Phillippine Paralympic Committee na ilang myembro ng kanilang delegasyon kasama ang atleta at ilang opisyal nito ang naiwan sa bansa at naka-isolate.
Ayon kay Ramirez, mataas ang kanyang kumpyansa na gagawin ng lahat ng ating para athletes ang kanilang makakaya para lumaban sa nasabing palaro.
Kabilang sa anim na atleta na pasok sa paralympics ay sila Jerrold Mangliwan, Ernie Gawilan, Jeanette Aceveda, Gary Bejino, Allain Ganapin at Achelle Guion. —sa panulat ni Rex Espiritu