Handang ibenta ni Business Tycoon at San Miguel Corporation Chief Executive Officer Ramon ang sa gobyerno ang Petron Corporation sa pamamagitan ng five-year installment payment scheme.
Ito ang pinalutang ng negosyante sa House Committee on Ways and Means Hearing kaakibat ang babalang malaki na ang nalugi sa kumpanya.
Ayon kay Ang, anumang oras ay pwede niyang ibenta ang Petron kung sa tingin ng pamahalaan ay mapagkaka-kitaan pa ito sa kabila ng 18 billion pesos na lugi noong isang taon.
Dumalo si Ang sa committee hearing kaugnay sa posibleng pagtanggal ng excise taxes sa oil products bunsod ng walang patid na pagsirit ng presyo nito sa international market. —sa panulat ni Drew Nacino