Tila manok na naputulan ng ulo.
Ganito inilarawan ni Veteran Journalist Ramon Tulfo ang pagtugon ng gobyerno sa COVID -19 pandemic.
Tahasang inihayag ng special envoy to China na hindi maganda ang pagresponde ng gobyerno sa pandemya dahil kitang kita ang kawalang direksyon.
Sa 10 bilang pinakamataas sinabi ni Tulfo na 4 ang ibibigay niyang grado sa COVID- 19 response ng gobyerno.
Kasabay nito , naniniwala si Tulfo na dapat ipaalam ng Pangulo sa publiko kung anuman ang sakit nito dahil kung hindi malalaman ng sambayanan ang gobyerno ay parang barko na rudderless o walang timon.