Nananatiling comatose at nasa kritikal na kondisyon si Police Major General Jovic Ramos, isa sa mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sakay ng bumagsak na helicopter sa Laguna.
Ayon kay Dr. Elvis Bedia ng Southwoods Unihealth Hospital sa Biñan kung saan naka-confine si Ramos, patuloy nilang minomonitor ang kondisyon ng Heneral.
Bahagyang namamaga pa rin aniya ang mukha nito gayundin ang tinamong pinsala sa kanyang utak.
Dagdag ni Bedia, bagama’t may nakikitang improvement sa kalagayan ni Ramos, hindi aniya ito tuloy-tuloy.
Samantala, sinabi ni PNP Deputy Chief for Operations Lt. General Guillermo Eleazar na nananatili pa ring kritikal ang kondisyon ni PNP Intelligence Director Mariel Magaway na naka-confine naman sa Asian Hospital sa Muntinlupa.