Sinimulan na ang random drug at alcohol testing sa mga bus drivers sa iba’t ibang bus terminals sa Metro Manila.
Maliban sa mga bus terminals, regular rin ang inspection na isinasagawa ng Department of Transportation and Communication (DOTC) sa mga paliparan at pantalan.
Bahagi ito ng Oplan Ligtas Biyahe ng DOTC para ngayong Undas.
Ayon kay DOTC Secretary Jun Abaya, nais nilang makatiyak sa kaligtasan ng mga pasaherong uuwi sa lalawigan ngayong Undas.
“Nag-iinspect na ng mga terminals, nag-iinspect na din ng mga road works ng ating mga sasakyang panlupa, lalo na yung mga bus na palaging ginagamit, gayundin heightened alert din po ang NAIA lalo na po yung Civil Aeronautics Board (CAB) dahil mahalaga po dito ang pagpapatupad ng air passage bill of rights at gayundin sa mga pandagat nating mga ahensya.” Pahayag ni Abaya.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit