Isinusulong ng isang mambabatas na isailalim din sa random drug testing ang mga miyembro ng media at kasuhan ang mga mapatutunayang lumabag.
Ito’y ayon kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe makaraang mapabilang ang media sa inilabas na updated ‘narco-list’ ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Giit ni Batocabe, mahalagang maisakatuparan ito upang malinis ng mga apektadong sektor ang kanilang hanay tulad ng mga mamamahayag.
Bagama’t hindi naman madaling matukoy sa drug test ang isang indibiduwal kung gumagamit man o hindi ang isang tao, may ilan naman aniya na hindi gumagamit ng droga subalit nagbebenta o nagtutulak nito.
Sa ngayon ay tumanggi pa ang PDEA na isapubliko ang listahan ng mga ‘narco-politician’.
—-