Isasalang sa random drug testing ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa high school sa buong bansa.
Ito ang inihayag ng Department of Education bilang bahagi ng pagpapalakas sa drug education sa bansa, sa harap na rin ng pinalakas na anti-drug campaign ng Duterte Administration.
Ayon kay Department of Education Spokesperson Tonisito Umali, kasama rin sa sasailalim sa random drug test ang mga guro sa elementary at secondary schools, officers at personnel ng central, regional at school division offices.
Binigyang-diin ni umali na ang random drug testing ay bahagi ng suporta ng kagawaran sa pagsisikap ng gobyerno na labanan ang illegal drugs alinsunod sa nakasaad sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Magkakaroon din aniya ng orientation trainings sa mga DEPED personnel bilang paghahanda sa random drug testing ng mga estudyante, guro at persoonel ngayong taon.
By: Aileen Taliping