Nagsagawa ng malawakang random drug testing ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa mga manggagawa ng sistema.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ito’y bilang pagtalima sa kautusan ng Civil Service Commission (CSC) upang matiyak ang epektibo at angkop na paghahatid ng serbisyo sa publiko.
Batay sa CSC resolution No. 1700653, obligadong sumalang sa mandatory rehabilitation o counseling program ang sinumang public official o employee na magpopositibo sa paggamit ng iligal na droga, depende kung gaano ito kalala o katalamak.
Mahaharap naman sa kasong administratibo ang sinumang tatangging magpa-rehab.