Isinusulong ng isang Kongresista ang pagsasagawa ng random drug testing sa lahat ng miyembro ng Kamara de Representantes.
Ayon kay Cavite Representative Elipidio Barzaga Jr, bukod sa mga kongresista ay hinihikayat din niya ang mga local government officials na mag pa drug test.
Aniya, sa paraang ito ay maibabalik ng publiko ang kanilang tiwala sa mga opisyal ng pamahalaan.
Iginiit din ni Braganza na ang sinumang tumanggi sa drug testing ay ipagpapalagay na isang drug dependent individual.
Samantala, bukas naman ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa naturang panukala.