Hindi dapat ikabahala ng mga estudyante maging ng mga magulang ang isasagawang random drug testing sa mga public highschool sa bansa.
Ito ang tiniyak ni Education Secretary Leonor Briones ngayong unang linggo ng balik-eskwela.
Ayon kay Briones, ang gumugulong na drug test ay hindi banta o magiging batayan upang i-kick out sa paaralan ang sinumang estudyante na mag-po-positibo sa paggamit ng iligal na droga.
Sa halip anya ay sasailalim sa intervention program o treatment sa isang DOH-accredited facility ang estudyanteng babagsak sa drug test.