Nagkasa ng random drug testing ang Philippine Army sa mga trabahador sa construction site sa Fort Bonifacio, Taguig.
Ito ay matapos maaresto sa buy bust operation ang 13 construction workers sa isang construction project sa Philippine Army Headquarters noong October 10.
Sinimulan na rin ng Philippine Army ang pag-background check sa lahat ng tao na may regular na transaksyon sa loob ng kanilang mga kampo sa buong bansa.
Una nang sinabi ng pamunuan ng Philippine Army na hindi nila kukunsintihin ang anumang ilegal na aktibidad sa loob ng kanilang kampo na tinaguriang designated drug-free zone.