Pinangunahan ni Senate President Vicente Sotto III ang pagsalang sa isinagawang random drug test sa Senado ngayong araw.
Ito aniya ay bilang pagpapakita ng suporta at magandang ehemplo sa mga empleyado ng Senado.
Ayon kay Sotto, limang klase ng iligal na droga ang maaaring makita sa nasabing drug test kabilang ang shabu, cocaine, marijuana, ecstasy at iba pang party drugs.
Samantala, kasabay din ng isinagawang flag raising ceremony sa Senado kaninang umaga, inanunsyo ni Sotto ang karagdagang P5,000 sa tinatanggap na buwanang grocery allowance ng mga rank and file employees epektibo nitong Hulyo 1.
SP Sotto & Sen Honassan to undergo drug test today @dwiz882 pic.twitter.com/hobbrc8O1M
— Cely O. Bueno (@OBueno) July 30, 2018
(Ulat ni Cely Bueno)