Inaasahang matatapos ang isinasagawang Random Manual Audit o RMA sa susunod na linggo sa pangunguna ng NAMFREL, COMELEC at Philippine Statistics Authority.
ang RMA ay ang huling bahagi ng nakaraang halalan kung saan manu-manong binibilang ang mga boto upang maikumpara sa resulta ng automated elections.
Nilinaw naman ng NAMFREL na pag-review lamang ang layunin ng RMA kung saan tanging mga boto sa pagka-Presidente, Bise Presidente, House of Representatives, Governor at Mayor ang kasama rito.
Bukod sa mano-manong pagbibilang ng boto, kasama sa imbentaryo ang overvotes, no votes at ambiguous o botong hindi na-shade nang maayos.
By: Meann Tanbio