Halos nangangalahati na ang NAMFREL, COMELEC at Philippine Statistics Authority sa isinasagawang Random Manual Audit.
Naisalang na sa audit ang mga balota, resibo, at election returns ng mahigit Tatlong Daan sa pangkalahatang Pitong Daan at Labinlimang Clustered Precincts.
Bukod sa mano-manong pagbibilang ng boto, kasama sa imbentaryo ang overvotes, no votes, at botong hindi na-shade nang maayos.
Lumabas na halos Isandaang porsyentong tama ang pagkakabasa ng mga Vote Counting Machine sa mga ipinasok na boto.
Alinsunod sa batas ang Random Manual Audit kung saan mano-manong binibilang ang mga balota upang tiyaking tama ang pagkakabasa ng mga makina sa mga ito.
By: Avee Devierte