Posibleng tumagal ng 24 na araw o hanggang ikalawang linggo ng Hunyo ang Random Manual Audit o RMA para sa May 13 midterm elections kumpara sa naunang target na 12 araw.
Ayon kay Legal Network for Truthful Elections o LENTE Executive Director Ona Caritos, isang team na binubuo ng tatlong guro o RMAT ang tatapos sa pag-audit ng isang balota sa loob ng dalawang araw.
Katumbas ito ng 600 hanggang 700 balota kada ballot box.
Sa ngayon anya ay 60 RMAT ang nakatapos na sa pag-audit ng nasa 100 ballot boxes simula noong Mayo 15.
Magugunitang nakipag-partner ang Commission on Elections sa LENTE at Philippine Statistics Authority para sa RMA.