Natapos na ang random manual audit sa 711 presinto sa buong bansa matapos ang midterm elections.
Ayon kay RMA Committee Commissioner in Charge Luie Tito Guia, nasa 99.9953% ang resulta ng over all accuracy rate na pinakamataas simula noong automated 2010 elections.
Ang accuracy rate para sa mga senador ay 99.9971 percent, 99.9946 percent sa mga kongresista habang ang mga alkalde naman ay 99. 9941 percent.
Nilinaw ng COMELEC na paunang report pa lamang ito at magpupulong muli ang mga opisyal sa susunod na dalawang linggo para ayusin ng pinal na report at recommendation ng resulta.
Kasama ng COMELEC ang LENTE o Legal Network for Truthful Elections, PSA o Philippine Statistics Authority at PICPA o Philippine Institute of Certified Public Accounts sa pagsasagawa ng audit.