Inirekomenda ng UP experts ang random testing sa mga barangay sa National Capital Region.
Ayon kay Professor Guido David, sa pamamagitan nito mas madaling makikita kung saang barangay ang talagang maraming covid cases.
Iminu mungkahi rin anya nila na mas tutukan na ang NCR dahil humuhupa na ang covid cases sa Cebu City at iba pang lugar.
Sinabi ni Guido na mahalagang magkaruon ng tamang datos ang pamahalaan kung saang mga lugar ang dapat na matutukan upang mas maging epektibo ang pagtugon sa pandemya.