Magsasagawa ang Philippine National Police (PNP) ng random visit sa mga hotel na nagsisilbing quarantine facilities para maiwasan ang Absentee Quarantine modus.
Ito ang inanunsiyo ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya kung saan iniatas ni Interior Secretary Eduardo Año sa PNP na bisitahin ang mga nasabing hotels.
Bukod aniya dito, babantayan ng mabuti ng pambansang kapulisan ang mga nakalistang pangalan sa bawat hotel.
Ang naturang hakbang ay kasunod ng isang Returning Filipino na galing Amerika na postibo sa COVID-19 na hindi sumailalim sa quarantine at dumalo ng party kung saan nakahawa pa ito ng ilan pang indibidwal.