Bahagyang tumaas ang ranggo ng Pilipinas sa global competitiveness index ng WEF o World Economic Forum.
Batay sa 2017-2018 WEF Global Competitiveness Report, pang-56 ang Pilipinas mula sa 137 mga bansa.
Mas mataas ito ng isang baitang kumpara noong isang taon kung saan pang-limampu’t pito ang Pilipinas.
Ibinatay ang nasabing report sa labing dalawang aspeto tulad ng institusyon, imprastraktura, macroeconomic, kapaligiran, kalusugan, edukasyon, teknolohiya, market size, pagne-negosyo at iba pa.
Pinakamagandang naging performance ng Pilipinas ay sa aspeto ng macroeconomic kung saan nasa pang-22 puwesto ang bansa dahil sa maayos na paghawak ng gobyerno sa budget deficit at mga utang.
Samantala, pangalawa naman ang Pilipinas sa Valenzuela sa may pinakamababang ranggo pagdating sa pagtatag ng negosyo.
—-