Nagretiro na sa Gilas Pilipinas si Ranidel de Ocampo.
Inanunsyo ng 34 anyos na forward ang kanyang desisyon matapos ang pagkatalo ng Gilas Pilipinas kagabi sa New Zealand sa iskor na 80-89 dahilan upang malaglag ang pag-asa ng national team na makapasok sa 2016 Rio Olympics.
Pinasalamatan naman ni Coach Tab Baldwin ang naging serbisyo sa koponan ni de Ocampo na isang karangalan aniya ang nakasama ito sa team.
Si Ocampo ay kasama sa tatlong mahahalagang laban ng Gilas gaya ng 2014 FIBA Basketball World Cup at 2013 at 2015 FIBA Asia Championship.
By Ralph Obina