Umangat ang puwesto ng Pilipinas sa global anti-red tape ranking.
Ayon sa Anti-Red Tape Authority (ARTA), nasa ika-49 na pwesto ang Pilipinas sa 2024 World Competitiveness Report ng International Institute for Management Development, mula sa 67 bansa sa buong mundo.
Mas mataas ito ng tatlong pwesto kumpara sa naunang ulat. Nangangahulugan itong mas efficient at produktibo na ang pamahalaan.
Matatandaang suportado ng ARTA ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga ahensya ng pamahalaan at local government units (LGUs) na isulong ang “ease of doing business” upang mas mahikayat ang mga negosyante na mamuhunan sa bansa.
Tiniyak naman ng ARTA na ipagpapatuloy nito ang pagpapabilis at pag-digitalize sa mga serbisyo ng pamahalaan upang mas maging competitive at business-friendly ang Pilipinas.