Bumagsak ng isang pwesto ang Pilipinas sa ranking nito sa World Competitiveness Yearbook ng Insitute of Management Development.
Nakuha ng bansa ang ika-42 pwesto ngayong taon dahil sa paghina ng economic performance nito.
Niraranggo ng WCY ang may 61 ekonomiya sa buong mundo gamit ang apat na kategorya ang economic performance, government efficiency, business efficiency at infrastructure.
Bumagsak din sa naturang global competitiveness ranking ang ilan pang Asian countries tulad ng Taiwan, Malaysia, Korea Republic at Indonesia.
By Rianne Briones