Kinumpirma ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na gumaganda ang ranking ng Pilipinas sa World Health Organization o WHO pagdating sa sitwasyon at pangangasiwa sa pandemya.
Ayon kay Duque, nasa ika-59 na puwesto ang bansa sa buong mundo habang nasa ika-5 sa Asean pagdating sa bilang ng mga aktibong kaso.
Dagdag pa niya, nasa 28, 102 ang active COVID-19 cases sa Pilipinas kung saan mas mababa sa lao people’s democratic republic na nasa 47,000, Malaysia na nasa 65,000, Thailand na nasa 94, 165 at Vietnam na nasa 140, 129 ang aktibong kaso ng virus.
Kaugnay nito, ang Pilipinas ay mayroong 25, 247 na kaso sa kada isang milyong populasyon na mas mababa kumpara sa thailand na nasa higit 28, 000, Brunei Darussalam na nasa 32, 000, Singapore na nasa 40,113 at Malaysia na nasa 77,317.—mula sa panulat ni Airiam Sancho