Bumaba ang ranking ng Philippine Azkals sa FIFA.
Ito ay makaraang makuha ng Azkals ang ika-127 sa world rankings mula sa dating ika-124 na puwesto.
Sa kabila nito, nangunguna pa rin ang Azkals pagdating sa mga bansa sa Southeast Asia.
Samantala, makalipas ang pitong (7) taon, nabawi na ng Brazil mula sa Argentina ang top spot sa FIFA ranking.
Ito ay makaraang matalo ang koponan ng Argentina sa koponan ng Bolivia dahilan upang maungusan ito ng Brazil sa rankings.
Samantala, bumubuo din sa top five ng FIFA ang mga bansang Germany, Chile na sinundan ng Colombia.
By Ralph Obina