Iginiit ni pangulong Rodrigo Duterte na dapat maisama ang kasong rape o pangga-gahasa sa mga papatawan ng parusang bitay.
Sa pagharap ng Pangulo sa mga mamamahayag sa Davao City, inamin ng Pangulo na nakukulangan siya sa ginawang pag-apruba ng Kamara sa nasabin panukala.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag makaraang tanungin siya kung lalagdaan ba niya ang ipinasang panukala matapos ilaglag ang rape at plunder sa mga dapat patawan ng death penalty.
Una rito, kinumpirma ng Pangulo na nag-ulat sa kaniya sina House Speaker Pantaleon Alvarez at Senate President Koko Pimentel matapos ang matagumpay na botohan sa mababang kapulungan.
By: Jaymark Dagala