Nalambat ng tracker team ng PNP ang isang rape convict na nakalaya sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ilang oras matapos ang 15 days grace period na ibinigay ng Pangulong Rodrigo Duterte para sila kusang sumuko.
Inaresto ang convict sa kanyang tahanan sa Moriones Tondo Maynila ng tracker team mula sa Manila Police District.
Ayon sa convict, napakasakit ng ginawang pag-aresto sa kanya dahil ilang taon na rin siyang laya at may maganda nang trabaho.
Una rito, mahigit 100 tracker teams ang agad na idineploy ng PNP para arestuhin ang mga hindi nakasunod sa deadline ng pagsuko.
Taliwas ito sa pahayag ni Justice Undersecretary Markk Perete na bago pa mag hatinggabi ay nakipag-ugnayan na sila sa PNP para huwag ituloy ang paghahanap sa mga convicts hangga’t hindi naisasaayos ang listahan.