Magsasagawa ng “Motu Proprio Investigation” ang Commission on Human Rights (CHR) sa Region 2 sa diumano’y panghahalay at pagpatay sa sampung taong gulang na babae sa Santiago City, Isabela.
Natagpuan ang bangkay ng bata noong Miyerkules sa Mabiret River, Purok 4 sa Barangay Balluarte.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia, nakababahala ang ganitong mga krimen, lalo’t may kahalintulad din itong insidente sa Batangas kung saan limang taong gulang naman ang biktima.
Kinudena naman ng komisyon ang karumal-dumal na krimen at iba pang uri ng karahasan sa kabataan, partikular sa mga menor de edad.
Samantala, nakiramay din si de Guia at buong CHR sa mga naulilang pamilya at mahal sa buhay ng dalawang paslit.