“Case solved” na para sa Philippine National Police (PNP) ang rape-slay sa flight attendant na si Christine Dacera.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Police Gen. Debold Sinas dahil sa pagkakadakip aniya at pagsasampa ng kaso laban sa tatlong suspek bagama’t siyam pa ang hinahanap ng otoridad.
Ani Sinas, kinasuhan na ng rape with homicide sa inquest proceedings sa Makati City Prosecutor’s Office sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Daluro Galido at John Paul Reyes Halili.
Ayon kay Makati City Police Chief Col. Harold Depositar, naging batayan ng kasong rape with homicide ang nakitang lacerations at semilya sa ari ng biktima.