Hinirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong Kalihim ng Department of Energy (DOE) si Raphael Perpetuo Lotilla.
Mababatid na dating hinawakan ni Lotilla ang DOE sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo mula 2005 hanggang 2007.
Ayon pa kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, pinamunuan din nito ang Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation ay hindi na rin bago kay Lotilla ang pagsisilbi sa gobyerno dahil dati rin itong Deputy Director General ng National Economic Development Authority (NEDA).
Samantala, nagtapos ng kanyang bachelor of laws ang bagong energy secretary sa University of the Philippines habang tinapos naman ni Lotilla ang kaniyang Masters of Laws sa University of Michigan.