Maaari na umanong ma-access online ang rapid pass para sa mga frontliners at priority vehicles para mabawasan ang contact sa checkpoints.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), maaaring gamitin ng mga otorisadong frontliers at iba pang essential workers ang kanilang QR codes sa mga checkpoints.
Kasabay nito, hinikayat ng DICT ang mga otorisadong frontliners na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na magaapruba ng kanilang rapid pass para sa bulk registration.