Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi kailangan ng authorization ng rapid test kit products mula sa bansang pinanggalingan nito bago payagang magamit sa bansa.
Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na ang mga produktong ito ay kailangan lamang aprubahan ng counterpart agency sa ibang bansa, subalit hindi kinakailangang kung saan ginawa ang mga ito.
Ayon kay Domingo, para maaprubahan ang isang test kit sa Pilipinas, kinakailangan ay mayroong isang FDA na nasa listahan nila na kinabibilangan ng US FDA, Therapeutic Goods Authority, European Union, Health Science Authority, Pharmaceutical and Medical Device Authority, Ministry of Food and Drug Safety at Health Canada.