Patay ang isang rapper matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Alabang Viaduct, Muntinlupa City, kagabi.
Kinilala ang biktima na si Jomer Galicia o mas kilala bilang “Og Kaybee” at “Kalbong Brutal”, 32-anyos, at residente ng Malate, Maynila.
Agad namang nagsitakas ang mga armadong salarin sakay ng isang puting van.
Ayon sa ilang saksi, nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril at natagpuan na lamang nila si Galicia na duguang nakahandusay sa lugar.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang pamamaslang. – sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)