Guilty ang hatol ng Manila RTC branch 46 kay Rappler CEO Maria Ressa at dating Rappler researcher Reynaldo Santos Jr. sa kasong cyber libel.
Sinentensyahan sina Ressa at Santos na makulong ng anim na buwan hanggang anim na taon.
Samantala, inabswelto naman ng korte ang Rappler bilang isang korporasyon sa kaso.
Inatasan ng hukuman si Ressa at Santos na magbayad ng P200,000 danyos kay Keng bilang moral damages at P200,000 exemplary damages.
Mananatili namang malaya sina Ressa at Santos, gamit ang nauna na nilang pyansa.
Si Ressa, Santos at Rappler ay kinasuhan ng cyber libel noong January 2019 dahil sa artikulo na nalathala sa Rappler noong 2012 kung saan iniuugnay sa human trafficking ang complainant na si Wilfredo Keng base sa isang intelligence report.