Pinuri ni United States President Joe Biden si Rappler CEO Maria Ressa matapos manalo sa 2021 Nobel Peace Prize.
Ito ay dahil sa dedikasyon na ipinakita ni Ressa sa larangan ng journalism at sa kaniyang pangako na ipaglalaban ang press freedom.
Ayon kay Biden, si Ressa ay matapang at walang kinatatakutan sa pagpapakita ng katotohanan sa pang aabuso ng kapangyarihan, korapsiyon at pagiging pantay ng isang bansa.
Kabilang rin sa nagpaabot ng pagkilala kay Ressa ay si Canadian Prime Minister Justin Trudeau.
Matatandaan ginawaran si Ressa kasama ang Russian Journalist na si Dmitry Muratov para sa kanilang pagsisikap na ingatan ang kalayaan sa pagpapahayag para sa demokrasya at pangmatagalang kapayapaan ng bansa.— sa panulat ni Angelica Doctolero