Hiniling ni Presidential Communications Office o PCO Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson kay Communications Secretary Martin Andanar na alisin na ang online news organization na Rappler bilang miyembro ng Malacañang Press Corps o MPC.
Ipinunto ni Uson na bilang Assistant Secretary for Social Media ay dapat i-reclassify at isailalim sa kanyang tanggapan ang Rappler dahil isa itong online publication na walang counterpart na print o broadcast arm kaya’t maituturing itong social media.
Gayunman, iginiit ng Rappler na bilang independent media outfit, mayroon silang press freedom alinsunod sa Saligang Batas.
Saklaw din ang internet-based media ng MPC pero wala naman ito sa ilalim ng Presidential Communications Operations Office.
Magugunita noong Agosto ay naglabas ng department order mula sa PCOO na nagpapahintulot sa accreditation ng bloggers at social media practitioners upang i-cover ang mga special event ni Pangulong Rodrigo Duterte.
—-