I-aapela ang online news agency na Rappler ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalan ang kanilang reporter na mag-cover sa Malacañang at sa mga aktibidad nito.
Ayon sa Rappler, magpapadala sila ng sulat kay Executive Secretary Salvador Medialdea para pormal na i-protesta ang pagpapa-ban ni Pangulong Duterte sa kanilang reporter.
Samantala, iginiit naman ng Rappler ang paghingi dapat ng paumanhin ni Presidential Security Group Commander Brigadier General Lope Dagoy dahil sa naging pahayag nito.
Anila, maituturing na conduct of unbecoming an office and gentleman ang mga naging pahayag ni Dagoy laban sa kanilang reporter na si Pia Ranada.
—-