Maaari pang ipagpatuloy ng Rappler ang operasyon nito bilang isang mass media company.
Ito ang nilinaw ng Securities and Exchange Commission o S.E.C. sa kabila ng kanilang desisyon na kanselahin ang registration ng naturang online media entity dahil umano sa paglabag sa batas partikular sa article 16, section 11.
Ayon kay S.E.C. Spokesman Armand Pan, hindi pa naman final at executory ang naging desisyon ng corporate regulator at maaari pang gumawa ng ligal na hakbang ang Rappler gaya ng pag-apela sa Court of Appeals sa loob ng labinlimang araw.
Magugunitang kinansela ng S.E.C. ang registration dahil pag-aari umano ng mga foreign firm na Omidyar Network at North Base Media Rappler na isang paglabag sa foreign equity restriction ng saligang batas.